Noong ako ay bininyagang muli bilang isa nang ganap na
Seventh day Adventist, isang kapatid sa pananampalataya ang nagsabi sa akin na
‐ “kapit ka lang ha..ngayon bagong binyagan ka, madaming pagsubok ang darating sayo..kaya kapit ka lang..”.
Sinabi ko lang noon ay “Opo”. Pero nasa isip ko, ano pa kayang pagsubok ang darating sa
akin, ano pa kayang hirap ang aking dadanasin. Mula kasi nung ako’y labing
isang taon, ako ay nagtrabaho na at narasanan ko na kung gaano kahirap ang buhay
lalo at isa kang anak mahirap.
Sa madaling sabi, isinantabi ko ang payo sakin dahil sabi ko ay kaya ko naman kahit ano pa ang
dumating. May 10, 2014 nang ako’y bininyagan, May 11 na‐ospital ang aking ama, May 13 nag expire ang health card
niya at nasa pribadong ospital ang aking ama. Dalawa na lang kami nang aking
kuya na nagta‐trabaho para sa pamilya. Wala kaming ipon para sa emergency dahil
naisip ko may health card naman at dahil nga sa ito ay nag-expire wala kaming
ibabayad sa mga gastusin sa ospital. Kaya’t wala akong nagawa kundi ibigay ang
aking pinakatatagong ipon o personal savings.
Ngunit ni minsan hindi ko inisip na iyun na ang simula
nang mga pagsubok, dahil ang problema ay dumadating talaga ng hindi mo
inaasahan.
Pagpasok ko naman sa opisina madaming trabaho ang dumating at
naghihintay sa akin lahat ay urgent, ang dati kong pasok na 5 araw naging 7 araw na, wala na akong pahinga.
Napakahirap nang walang pahinga, walang maayos na tulog, lalo kung ang trabaho
ay sa gabi.
Nagkaroon ng pagbabago sa opisina, nagkaroon ng pagtaas
ng posisyon, napromote ang mga matatagal na sa kumpanya ngunit baguhan pa
lamang sa larangan ng aming ginagawa. Ako na medyo matagal na ngunit may nalalaman sa
aming ginagawa ay walang pagbabago - hindi kabilang sa mga promoted. Kahit papaano’y nakakapanghina iyun ng loob sa buhay
karera.
Sa personal na buhay naman, dahil lagi akong may pasok, wala
na akong panahon sa aking mga kaibigan kaya’t ang iba ay nagtampo sa akin dahil
wala na akong oras sa kanila. Sa pamilya, bukod sa may sakit ang aking ama, ang
isa kong kapatid na nasa malayong lugar ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan
na dati ay hindi naman.
Lahat na nang avenue na pwede pasukan ng problema ay
mayroon akong problema ‐ sa pamilya, sa trabaho,sa mga ka‐opisina, sa mga kaibigan, (buti na lang wala akong
boyfriend, baka nagkataon may problema din ako sa kanya!) sa pinansyal, sa
kalusugan, at pilit kong pinagkakasya ang aking lakas at oras na harapin at solusyunan
lahat ng iyon. Ang problemang dumating sa akin ay hindi sunod-sunod kundi sabay-sabay!
Ilang buwan ko rin iyung dala-dala, na kahit sa araw araw
ay humihingi ako ng gabay sa Panginoon hindi mawala sakin ang mangamba… na “ano
kaya ang mayroon sa araw na ‘to? Ano kaya ang naghihintay sa akin?”
Hanggang sa isang Sabado o Sabbath hindi ako
nakapagsamba, dahil kailangang‐kailangan ako sa trabaho, ang aming elder ay
nagtext sa akin at nangumusta, mahaba ang text nya pero ang nakapaloob na
mensahe doon ay “we should put God first in all things that we do”.
Lagi natin siyang uunahin sa anumang parte o aspeto nang
ating buhay.
Nang mabasa ko iyon parang tumigil ang lahat.
Doon ako napaisip saan ko ba nilagay ang Panginoon sa aking buhay?
Sa araw‐araw inuuna ko ang mga problema na dapat ay ang
Panginoon.
Dahil sa problema hindi ko na nakikita na napakaganda
pala nang araw ngayon kaysa kahapon…
na tumubo na pala ang bulaklak sa aming bakuran…
na mayroon pala akong pamilya sa simbahan…
na mayroon pala akong mga bagong kapatid at bagong kaibigan...
I’m counting my problems than counting my blessings.
Wala na akong nakikita kundi problema at hindi Siya.
Hindi ko naisip na I have a huge God, much bigger than my problems.
Bakit ako na‐overwhelmed sa problema at hindi na‐ overwhelmed sa presensya Niya?
When I realized that I stopped everything and I cried for
forgiveness and this time I also cried for help, not only guidance but help,
because I cannot solve those problems alone even with all my might. And so I surrender and put everything in His
hands, and I made Him my priority in life.
Mula noon parang lumiwanag na ang lahat, hindi ko sinasabi
na sa isang iglap nawala ang aking mga
problema. Pero mas naging madali at mas magaan siya harapin dahil naging positibo
ang aking pananaw sa lahat ng bagay.
Ngayon ay tunay na kahit ano pa ang dumating ay kaya ko
nang harapin, hindi dahil sa sarili kong kakayanan kundi dahil mayroon akong
Panginoon na kasama ko, natin sa bawat sandali.
Kaya’t sa araw araw hindi na pangamba ang aking
nararamdaman kundi pasasalamat.
Pasasalamat sa mga biyayang natatanggap sa araw araw…
sa isang magandang araw…
sa mga bulaklak sa aming bakuran…
sa pamilya at mga kaibigan…
sa pamilya sa simbahan…
sa bagong mga kapatid at kaibigan...
at sa panibagong buhay na binigay.
Kung dati ay umiiyak ako sa problema ngayon ay sa
pasasalamat na.
Sana’y wag nating kalimutan na unahin Siya at Siya ang
maging sentro nang ating buhay.
Lahat ay ating malalampasan hindi sa ating sariling kakayanan
kundi sa Kanyang mapagpalang mga kamay.
Ito’y patotoo nang isang makasalanan na ngayon ay
nagbabagong buhay.
Maraming salamat at Pagpalain tayong lahat.
Journey to Jesus. "You will seek me and find me when you seek me with all your heart." Jeremiah 29:13
Analou Dedal
Analou Dedal
No comments:
Post a Comment