Monday, May 18, 2015

Paglakbay Patungo Kay Hesus - Ang 'Misyonero'

Bago ako nabinyagan sa Seventh Day Adventist, ako ay
Korean fanatic – isa akong tagahanga ng bansang Korea. Hinahangaan ko ang kanilang
bansa, mga magagandang lugar, ang kanilang lenggwahe, ang kanilang kultura, ang
kanilang pamahalaan, ang kanilang kaugalian, mga piling artista at KPOP
group.

Sa sobra kong paghanga, pinag aralan ko ang kanilang
kasaysayan, lengwahe, kultura, gobyerno, at mga kaugalian. Ang kanilang mga
magagandang kaugalian ay aking isinabuhay. Ipinamamalita ko ang mga mabubuting
bagay tungkol sa bansang Korea. Binabahagi ko ito sa lahat ng aking kakilala,
sa pamilya sa kaibigan at sa mga kaopisina. Madami-dami na rin ang aking
naimpluwensyahan. Natutuwa ako pag nagugustuhan nila ang bansang Korea.

 Nagsusulat ako sa isang international blog tungkol sa
Korea. Mayroon din akong sariling blog tungkol sa bansang ito, at may
Facebook page pa. Ako din ay volunteer sa mga event ng Korea dito sa Pilipinas.
Mapa-turismo, edukasyon, kultura, KPOP at marami pang iba. Ginagawa ko iyun ng libre.W alang
bayad. I’m doing it out of love. Pinagkakaabalahan ko ito ng buong lakas, buong
isip at buong puso. Dahil talaga namang mahal ko ang bansang Korea. Natutuwa
ako na nakikilala -tinitingala na sila sa buong mundo. Sa sobra kong paghanga
mas alam ko pa ang balita sa Korea kesa sa sarili kong bansa.

Pero nang ako ay madoktrinahan ng relihiyong Adventist,
napagtanto ko na mali pala ang aking ginagawa. Parang ang Korea na ang aking
Panginoon. Hindi ko sinasabi na mali ang humanga ang akin ay labis labis na ang
aking ginagawa. Ang Korea ay akin nang sinasamba.

 Parang katulad nang isang misyonero ang ginagawa ko dati - Pinag aaralan, Pinamamalita , at Nanghihikayat ako patungo sa Korea.

Nang ito ay aking mapagtanto, na-guilty ako nang sobra ito ay hindi gawain ng isang lumalakad patungo sa Kanya.
Humingi ako ng tawad at naisip ko na ano kaya kung imbes na tungkol sa Korea ay tungkol sa mabuting balita ang aking Pag-aralan, Ipamalita , at Ipanghikayat?

Marahil ay nagtataka na ang aking mga kaibigan, kaopisina kung bakit hindi na ako nagsusulat tungkol sa Korea.
Mahal ko pa rin ang Korea, hindi na iyon mawawala pa.

Ngunit hindi na dito umiikot ang aking mundo. Mayroong isang Diyos na sentro na ng Buhay ko.

Sa ngayon ako ay nagaaral ng mabuting balita upang ito ay aking maibahagi, at maipanghikayat.

 Ito ay patotoo nang isang nag aaral at mahina pa sa pananampalataya.


Maraming Salamat at Pagpalain tayong lahat.
Journey to Jesus. "You will seek me and find me when you seek me with all your heart." Jeremiah 29:13

-Analou Dedal
September 21, 2014 at 6:33am

No comments:

Post a Comment